2.6 PRIMALS Grade 10 Lakandula

* The preview only display some random pages of manuals. You can download full content via the form below.

The preview is being generated... Please wait a moment!
  • Submitted by: debie delacruz
  • File size: 789.5 KB
  • File type: application/pdf
  • Words: 1,856
  • Pages: 11
Report / DMCA this file Add to bookmark

Description

ARALIN 2.1 A. Panitikan :

Talumpati ni Dilma Rouseff sa Kanyang Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Babae ng Brazil ) Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina B. Gramatika : Kaisahan sa Kasanayan sa Pagpapalawak ng Pangungusap Pamantayang Pangnilalaman Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa talumpati ng Brazil at ang pagkakaroon ng kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati Mga Pokus na Tanong -Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansa? Patunanayan. -Paano nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati? Mahalagang Pag-unawa -Masasalamin sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansa. -Nakatutulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaalaman sa pagpapalawak ng panaguri at paksa. InaasahangPagganap Nakasusulat ng talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu Kasanayang Pampagkatuto sa Bawat Domain Pag-unawa sa Napakinggan Naiuugnay nang may panunuri sa sariling saloobin at damdamin ang narinig na balita, komentaryo, talumpati at iba pa Pag-unawa sa Binasa Naibibigay ang sariling puna o opinyon batay sa binasang talumpati Paglinang ng Talasalitaan Nabibigyang kahulugan ang mga salita sa tulong ng word association Panood Nasusuri ang napanood na pagbabalita batay sa paksa at pamaraan ng pagbabalita Pagsasalita Naiuugnay ang binasang akda sa iba pang babasahin Pagsulat Nakasusulat ng talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu Wika at Gramatika Nasusuri ang kasanayan at kaisahan sa pagpapalawak ng pangungusap

IKALAWANG MARKAHAN ARALIN 6 TUKLASIN I.

Mag Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto A. Naipakikilala ang Pangulong Dilma Rouseff ng Brazil gamit ang character Profile B. Nakabubuo ng paghihinuha kaugnay ng paksang tatalakayin C. Nakapagpapahayag ng sariling opinyon hinggil sa ilang piling pahayag

II.

Proseso ng Pagkatuto A. Panimulang Gawain – 4 PICS 1 WORD Anong lugar o bansa ang tinutukoy ng nasa larawan

B. Pangkatang Gawain Pangkat 1 – Nasaliksik mo, Ibahagi mo Pagtalakay sa talambuhay ni Pangulong Dilma Rouseff, ang kauna-unahang babaeng pangulo ng Brazil gamit ang character profile A. B. C. D. E. F. G.

Pangalan : __________________________________ Tirahan : __________________________________ Kapanganakan : ______________________________ Hanapbuhay : ________________________________ Pagkamamamayan : ___________________________ Naging tagumapay : ___________________________ Kahanga-hangang katangian : ___________________  Ano ang iyong naging impresyon kay Pangulong Dilma Rouseff matapos mong malaman ang ilang impormasyon tungkol sa kanya?

Pangkat 2 – Concept Mapping Bumuo ng paghinuha batay sa pagkilala sa kanya ng unang pangkat na sa palagay mo na maaaring sabihin ni Pangulong Dilma Rouseff sa kanyang kababayan kung siya ay magsasagawa ng kanyang SONA sa tulong ng SAG  Sa inyong palagay may pagkakaiba kaya ang mga sasabihin ni Pangulong Dilma Rouseff sa iba pang pangulo ng ibang bansa sa kanyang SONA? Ipaliwanag. Pangkat 3 – Opinyon Mo! Ihayag Mo! Magsaliksik ng mga pahayag ng mga naging Pangulo mula sa kanilang SONA at ilahad ang inyong opinion batay dito.

Pangkat 4 – Score MoI Ishow Ko! 3 Puntos 2 Puntos Lubos na naibigay ang di-gaanong naibigay ang mga hinihinging mga hinihinging impormasyon impormasyon

1 Puntos Kinakailangan pa ang karagdagang impormasyon

H. Sintesis SAG (Sketch Appropriate Graphics) Magtala ng mga pamamaraan kung paano maisasakatuparan ng isang pangulo ng bansa ang kanyang mga mithiin para sa kanyang bansa. III.

Takdang-aralin 1. Basahin: Sipi mula sa talumpati ni Dilma Rouseff sa kanyang Inagurasyon (Kauna-unahang Pangulong Baba eng Brazil) Isinalin sa Filipino ni Shiela Molina 2. Sagutin : Ano-ano ang tinalakay ni Pangulong Dilma Rouseff sa kanyang talumpati?

IKALAWANG MARKAHAN ARALIN 6 LINANGIN UNANG SESYON I. Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto A. Nabibigyang-kahulugan ang salita sa tulong ng word assocaition B. Naibibigay ang sariling puna o opinyon batay sa binasang talumpati C. Naiuugnay ang binasang akda sa iba pang babasahin D. Nailalahad ang naging kalagayang panlipunan batay sa binasang akda II. Proseso ng Pagkatuto A. Panimulang Gawain Paglalahad ng katangian ng ilang mga naging tanyag na Pangulo ng BRAZIL

B. Paglinang ng Talasalitaan – WORD ASSOCIATION Magtala ng mga salitang maiuugnay sa salitang nasa larawan

DFjhIRON LADY IRON LADY

C. Pagpapabasa sa Akda - PAGTATALUMPATI PAMPASINAYANG TALUMPATI SA PAGTANGGAP NG TUNGKULIN NI DILMA ROUSSEFF BILANG UNANG BABAENG NAGING PANGULO NG BRAZIL D. Pagtalakay sa akda 1. Tungkol saan ang mensaheng narinig ninyo sa harapan? 2. May dahilan ba para ilahad niya ito sa mamamayan ng Brazil? Bakit? 3. Paano niya ipinarating ang kaniyang layuning pagbabago sa bansa? 4. Ilahad ang kanyang hangarin para sa kanyang mamamayan, Isa-isahin. E. Pagbibigay-input ng Guro Ang talumpati ay buod ng kaisipan o oipinyon ng isang tao nasaipinahahayag Magbigay ng mga mungkahing solusyon tungkol mga suliranng isang mananalumpati sa harap ng pangkat ng mga tao. Maaaring hanguin ang mga kaisipan mula sa pagbabasa, pakikipanayam, pagmamasid, pananaliksik at mga O binigyan karanasan. Ito ay maaaring panandaliang pagtatalumpati (extemporaneous speech) ay agarang pagsagot sa paksa.Maaaring may paghahanda o walang paghahanda. At binubuo ng tatlong bahagi: ang simula, katawan at wakas.

F. Pagbuo ng Sintesis - FREEDOM WALL Iguhit o idikit ang inyong saloobin mula sa akdang binasa na naglalahad ng tunay na kalagayan ng bansa. Dugtungan ang pahayag. Mula sa talumpating aming napakinggan labis akong nakadama ng _______ sapagkat ______ .

,

III. Takdang-aralin A. Mula sa youtube, manuod ng katatapos lang na SONA ng Pangulong Duterte at ilahad ang naging paksa sa kanyang talumpati? B. Paano nakatulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati?

IKALAWANG MARKAHAN ARALIN 6 LINANGIN IKALAWANG SESYON I.

Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto A. Nagkakaroon ng kamalayan sa mga suliraning kinakaharap ng bansa at nakapagmumungkahi ng mga posibleng solusyon ukol dito B. Nakikilala ang mga salitang ginagamit sa pagpapalawak ng pangungusap C. Nagagamit ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap

II.

Proseso ng Pagkatuto A. Panimulang Gawain Basahin at unawain ang teksto Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino ni Manny Villar B. Pagtalakay sa Aralin Basahin at suriin ang pagkakabuo ng dalawang pangkat ng mga pangungusap. Pangkat A 1. Naghihirap ang bayan. 2. Ito ay nadarama ng mga mahihirap

Pangkat B 1. Naghihirap nga ang mahal na bayan. .

2. Ito ay lubhang nadarama ng mahihirap na mamamayan.

 Ano ang pagkakaiba ng dalawang pangkat ng pangungusap? Ipaliwanag.  Piliin sa mga pangungusap sa Pangkat B ang mga salitang idinagdag. Saang bahagi ng pangungusap ito idinagdag? B. Pag-iinput ng guro Panaguri – Nagpapahayag ng tungkol sa paksa. 1. Ingklitik – tawag sa mga katagang paningit na laging sumusunod sa unang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri o pang-abay. 2.

.

. .

Komplemento/Kaganapan – Tawag sa pariralang pangngalan na nasa panaguri na may kaugnayan sa ikagaganap o ikalulubos ng kilos ng pandiwa. Sangkap ito sa pagpapalawak ng pangungusap.

3. Pang-abay – Nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri at kapwa pang-abay. Batayang Pangungusap : Nagtalumpati ang pangulo. Pagpapalawak: Mahusay na nagtalumpati ang pangulo kahapon at totoong humanga ang lahat. Paksa – Ang pinag-uusapan sa pangungusap 1. Atribusyon o Modipikasyon – May paglalarawan sa paksa ng pangungusap Halimbawa: Ito si Dilma Rousseff ang pinakamahusay kong pangulo. 2. Pariralang Lokatibo/Panlunan – ang paksa ng pangungusap ay nagpapahayag ng lugar Halimbawa: Inaayos ang plasa sa Brazil. Marami rin ang nasa Luneta upang makinig ng talumpati.

3. Pariralang Nagpapahayag ng Pagmamay-ari – Gamit ng panghalip na nagpapahayag ng pagmamay-ari. Maayos na maayos ang talumpati ng aking mag-aaral. Pakikinggan ko ang talumpati ng kapatid ko.

D. Pagsusuri sa Gramatika Balikan ang talumpati ni Dilma Rouseff. Piliin ang mga pangungusap na ginagamitan ng iba’t ibang paraan ng pagpapalawak ng pangungusap. Tukuyin ang paraang ginamit sa pagpapalawak ng mga pangungusap. E. Pagsasagawa ng Pagsasanay Bumuo ng 10 pangungusap na ginagamitan ng iba’t ibang paraan ng pagpapalawak ng pangungusap. Tungkol sa mga isyung panlipunan.

III. Takdang-aralin A. Idikit sa kwaderno ang isang halimbawa ng balita mula sa editorial.

IKALAWANG MARKAHAN ARALIN 6 PAGNILAYAN AT UNAWAIN I.

II.

Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto A. Naipahahayag nang may katalinuhan ang sariling kaalaman at opinyon tungkol sa isang paksa ng talumpati B. Nasusuri ang kaugnayan ng akdang binasa sa ibang akda sa tulong ng pagpapalawak ng Pangungusap C. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat at pagbigkas ng sanaysay o talupati Proseso ng Pagkatuto A. Panimulang Gawain Basahin at unawain ang nilalaman ng teksto. Ano ba ang kalagayn ng bayan? Nahaharap tayo sa matinding kris sa buhay kaugnay ng ating pamumuhay. Dapat kumilos, ang mga pinunong bayan. Maghandog kayo ng tulong para sa mahihirap. Ang serbisyo publiko ay ilaan para sa mga nangangailangan. Lalong maghihirap ang bayan dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Parang kahapon lamang ng mangako ang mga pulitikong ito ngunit pangakong napako, Ngunit may bahagi din tayong dapat gampanan. Ang suliraning ito ay hindi malulutas kung walang pagkakaisa at pagtutulungan.  Tungkol saan ang teksto?  Ano-ano ang nararapat gawin ng pinunong bayan at ng mga mamamayan kung ang bayan ay nahaharap sa matinding krisis? B. Pangkatang Gawain Pangkat 1 – Talumpati, Suriin Mo Balikan ang talumpating binigkas ni Pangulong Dilma Rouseff. Gawin itong batayan upang mapunan ang hinihingi ng organizer. Paksa

Layunin

Pambungad/ Panimula

Katawan/ Nilalaman

Pangwakas/ Katapusan

 Masasalamin ba sa talumpati ang kalagayang panlipunan ng bansang kinabibilangan nito? Patunayan.

Pangkat 2 – Ano ang naging kaugnayan ng talumpating binigkas ni Dilma Rousseff sa sanaysay na isinulat ni Manny Villar? Bumuo ng paghahambing ukol dito sa tulong ng COMPARISON CHART gamit ang ibatibang paraan ng pagpapalawak ng pangungusap.

Paano nakatulong ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati?

Pangkat 3 – Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa isang isyung pambansa na ginagamitan ng mga paraan sa pagpapalawak ng pangungusap. Bigkasin ito ng pangkat at ipaliwanag ang paraang ginamit.

INTERPRETATIBONG PAGBASA

Pangkat 4 – Score Mo! Show Ko!

3 Puntos Lubos na naibigay ang mga hinihinging impormasyon

III.

2 Puntos di-gaanong naibigay ang mga hinihinging impormasyon

1 Puntos Kinakailangan pa karagdagang impormasyon

ang

Takdang -aralin 1. Humanda sa pagsulat ng talumpati na ginagamitan ng paraan ng pagpapalawak ng pangungusap tungkol sa paksang “Tugon ng kabataan sa mga isyung panlipunan.”

IKALAWANG MARKAHAN ARALIN 6 ILIPAT I.

Mga Tiyak na Kasanayang Pampagkatuto A. Nagkakaroon ng kamalayan sa mga isyung kinakaharap ng bansa at nakapagmumungkahi ng solusyon ukol ditto B. Nagagamit ang kasanayan sa pagpapalawak ng pangungusap sa pagsulat ng talumpati C. Nakasusulat ng talumpati tungkol sa isang kontrobersyal na isyu

II.

Proseso ng Pagkatuto A. Panimulang Gawain Balikan ang talumpati ni Pangulong Dilma Rouseff at ang sanaysay ni Manny Villar. Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba nito. Pagkakatulad Talumpati ni Dilma Rouseff

Pagkakaiba

1. 2. 3.

Kahirapan: Hamon sa Bawat Filipino

1. 2. 3.

 Kung ikaw ang magiging pangulo ng bansa, ano ang suliraning pambansa ang un among sosolusyunan? Bakit? B. Pagbibigay ng sitwasyon/paglikha G R A S P S

Makabuo at makabigkas ng talumpati kaugnay ng paksang “Tugon ng Kabataan sa mga Isyu ng lipunan. Mambibigkas ng talumpati/kalahok sa pagbigkas ng talumpati. Hurado/mga kabataan Ikaw ay napili ng iyong guro na lumahok sa patimpalak sa pagbigkas ng talumpati Pagbigkas ng talumpati Ang presentasyon ay dapat nagtataglay ng mga sumusunod na pamantayan

1. Panimula _________________________________ 5 puntos  Pagpapaliwanag sa layunin 2. Katawan _________________________________ 5 puntos  Kalinawan ng argument  Tibay/lakas ng argumento 3. Pangwakas _______________________________ 5 puntos  Pagbibigay ng lagom o konklusyon 4. Kaisahan at kasanayan sa Pagpapalawak ng pangungusap _____________________________ 5 puntos Kabuuan __________________________________ 20 puntos

III.

Takdang-aralin 1. Ano ang tinatawag na karapatang pambata? 2. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng child labor.